Taglish Rin?!
Nakikipag-usap ako kay Cedes sa internet ng may isang salitang biglang sumagi sa isipan ko. Kahit na anong gawin ko ay hindi ko siya matanggal sa akin alaala.
Taglish.
Ano kamo? Bakit biglang pumasok sa isip mo yan?
Hindi ko rin alam. Siguro dahil lagi ko na lang sinasabihang conio si Cedes, o talagang wala lang akong magawang matino sa harap ng kompyuter (Diyos ko! Yan ba talaga ang baybay ng computer sa tagalog? Sus me!).
Para matigil na ang pangunglit ng salitang iyan sakin, pumunta ako sa Google at tinignan ito. Ang aking nakita?
Huwag po! Huwag nyo akong pindutin!
Ang galing, di ba? Pati sa pangmundong lathala ay naroon ang Taglish. Pang internasyonal na pala ang salitang Taglish para makuha ang pansin ng marami. Kasama pa niya ang mga kumpareng niyang sina conio at englog; hanep ang barkada!
Nakakamangha ang ebolusyon ng aking wika hindi ba? Naipagsasama sa iba upang makagawa ng isang panibagong salita na maiintindihan na nakakarami.
Hindi ba and aking wika ay hango rin sa mga iba’t-ibang wika ng mga sumakop sa atin? Ang wikang Tagalog natin ngayon ay mga salita lamang ng pinaghalo-halong salita ng Espanyol, Ingles, at kung anu-ano pa. Pati ang aking pagsulat ay hindi original na Pilipino. Ang sinauna ay aligbata, hindi ba?
Iba talaga pag Pilipino. Sinakop na at pinahirapan, pero nakuha pang makagawa ng isang wika na masasabing sariling atin.
Magtaas ng kamay ang kung sino man ang marunong magsulat sa aligbata. Kung isa ka man dun, saludo ako sa iyo! =)
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.


Leave a Reply