Pahiram Naman!

May 12th, 2006

Nasa tabi ko ngayon at aking babasahin ang libro ni Bob Ong na ‘Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?’

Ayos ka lang? Ang tagal na ng librong iyan ha!

Marahil nga. Sabi sa copyright nya ay 2002 pa daw ito nailathala.

Sa totoo lang, nabasa ko na ang mga ibang libro ni Bob Ong, pati yung pinakabagong labas ay mayroon ako.

Okey ka rin ha! Pabalistad, este, pabaligtad magbasa. Yung mga bago muna tapos yung luma!

And sagot ko naman eh, pasensya na po. Hiniram ko lang po itong librong ito kay Cedes. Kamakailan ko lang nalaman na may libro pala syang ganito.

Nabubuhay po ako sa panghihiram. Nagsimula ata ito noong bata pa ako. Mahilig akong magbasa pero wala akong perang pambili ng libro, kaya nanghihiram na lang ako sa mga kakilala ko.

Pati nung nasa kolehiyo ako ay nanghihiram lang ako ng mga aklat ng mga kasamahan ko, tapos ay ipapa-xerox na lang. (Oo, sige na. Mali na ang xerox. Photocopy na kung photocopy!)

Sa panghihiram kasi ay nakakatipid ka. Kaysa nga naman bumili ka pa ng bago ay manghiram na lang. Libre pa.

Marami na rin akong nahiram kay Cedes. Mga libro, damit, sapatos, CD, mga piniratang DVD, at pati mga damit panloob. Ay, teka. Di pa ata. Yaan nyo, sa susunod.

At simula ng magkatrabaho ako at magkaroon ng pera ay marami na rin naman syang nahiram sa akin. Kulang na nga lang ay pati boyprend ay maghiraman kami (okey lang sakin, Cedes!)

Ganyan na nga yata talaga pag magkakaibigan. Kilalang-kilala na namin ang bawat isa marahil dahil magsa-sampung taong na kaming magkaibigan nyan. Biruin nyo natiis namin ang isa’t-isa ng ganun katagal? Tunay na magkaibigan nga.

  • Share/Bookmark
divider

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

divider

1 Comment »

lyssa on December 19th, 2009 at 1:31 pm
  1. Magandang araw/tanghali/hapon/gabi po!
    Ang ganda po ng mga karanasan mo.. :razz:
    Pati na rin ng mga naisulat mo.
    Sana po marami pa kayong maisulat na ganiyan, kasi totoo sila sa panahon natin ngayon..
    Pasensya na po kung Tagalog na Tagalog ako., kasi po yun ung paksa niyo po.. :oops:

RSS feed for comments on this post. TrackBack URL

Leave a comment

divider