Pinoy Pa Rin
Kalokohan, kabulastugan, kaingayan, katangahan, kahayupan, at lahat na ng ‘ka’! Kahit ano pang mangyari, duguin man ako, dapat puro Tagalog lang ang salita dito!
- Taglish Rin?!
- Nakikipag-usap ako kay Cedes sa internet ng may isang salitang biglang sumagi sa isipan ko. Kahit na anong gawin ko ay hindi ko siya matanggal sa akin alaala. Taglish. Ano kamo? Bakit biglang pumasok sa isip mo yan? Hindi ko rin alam. Siguro dahil lagi ko na lang sinasabihang conio si Cedes, o talagang wala lang akong magawang matino sa harap ng kompyuter (Diyos ko! Yan ba talaga ang baybay ng computer sa tagalog? Sus me!). Para matigil na ang pangunglit ng salitang iyan sakin, pumunta ako sa Google at tinignan ito. Ang aking nakita?
- Pahiram Naman!
- Nasa tabi ko ngayon at aking babasahin ang libro ni Bob Ong na 'Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?' Ayos ka lang? Ang tagal na ng librong iyan ha! Marahil nga. Sabi sa copyright nya ay 2002 pa daw ito nailathala. Sa totoo lang, nabasa ko na ang mga ibang libro ni Bob Ong, pati yung pinakabagong labas ay mayroon ako. Okey ka rin ha! Pabalistad, este, pabaligtad magbasa. Yung mga bago muna tapos yung luma! And sagot ko naman eh, pasensya na po. Hiniram ko lang po itong librong ito kay Cedes. Kamakailan ko lang nalaman na may libro pala syang ganito. Nabubuhay po ako sa panghihiram. Nagsimula ata ito noong bata pa ako. Mahilig akong magbasa pero wala akong perang pambili ...
